(Eagle News) — Inamin ng Department of Health na lomobo ang bilang ng mga tinamaan ng leptospirosis sa Metro Manila kasunod ng patuloy na pag-ulan na nagdudulot mga pagbaha.
Sa briefing sa Malakanyang, sinabi ni Health Secretary Francisco Duque na umabot na sa 1,121 ang tinamaan ng leptospirosis sa Metro Manila at 100 sa mga ito ay namatay.
Inihayag ni Duque namahagi na sila ng gamot sa iba’t ibang health centers sa buong Metro Manila para maagapan ang nakamamatay na epekto ng leptospirosis.
Niliwanag ni Duque na dapat sumunod ang publiko sa mga abiso ng mga local health officer hinggil sa epekto ng leptospirosis na nakukuha sa kontaminadong tubig baha mula sa ihi ng daga at iba pang uri ng hayop.
https://youtu.be/wVILMnPRTso