QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Sabay-sabay na iprinisinta ng Quezon City Police District (QCPD) ang mga riding-in-tandem suspek na naaresto sa kanilang pinaigting na Anti-Criminality Operation.
Kabilang na rito ang tatlong suspek na ito na inaresto ni PO2 Jomar Madarang noong Sabado ng hapon sa Project 6 sa Quezon City na nag-viral pa sa social media.
Mga suspek, sinasabing nasa likod ng mga holdapan sa Quezon City
Ang naturang mga suspek umano ang nasa likod ng talamak ng holdapan sa lugar, bagay na inamin naman ng mga suspek.
Pagdami ng krimen, napansin ng QCPD matapos mahinto ang war on drugs ng PNP
Ayon kay Chief Supt Guillermo Eleazar ng QCPD, buhat nang huminto sila sa war on drugs, kapansin-pansin umano ang bigla na namang pagdami ng mga kaso ng roberry holdap sa kanilang lugar.
Ilan pa daw sa mga naaresto nila, dati nang sumuko sa Oplan Tokhang ng Philippine National Police (PNP).
Kaso ng mga nakawan at holdapan, inaasahang darami pa ngayong nalalapit ang holiday season
Ngayong nalalapit na naman ang holiday season, inaasahan naman ng QCPD na lalo pang tataas ang mga kaso ng nakawan at holdpan.
Kaya naman ngayon pa lamang ay pinaiigting na anila ang seguridad sa mga matataong lugar partikular na sa mga mall at terminal.
(Eagle News Service Mar Gabriel)