MANILA, Philippines (Eagle News) — Kumpiyansa ang Malacañang na hindi magtatagumpay at sa halip ay mababasura lamang ang kasong isasampa ni Senadora Leila De Lima laban kay Pangulong Rodrigo Duterte.
Sa briefing sa Malacañang, sinabi ni Presidential Spokesman Ernesto Abella na kinonsulta nya si Justice Secretary Vitaliano Aguirre kasunod ng plano ni De Lima na magharap ng writ of amparo at writ of habeas data sa Korte Suprema.
Sa pananaw ni De Lima, may pag-abuso sa kapangyarihan si Pangulong Duterte kaugnay ng kampanya ng administrasyon laban sa illegal na droga at pagdidiin din sa kaniya sa operasyon ng illegal drugs sa loob ng National Bilibid Prison o NBP.
Ayon kay Abella, batay sa pagtaya ni Secretary Aguirre, hindi uusad ang nasabing kaso.
Abella: “I referred to Secretary Aguirre regarding this matter and he said that the issue would not prosper,” “simply because the president enjoys immunity while in office.”