Kasong libelo laban kay Menorca , lalong nadaragdagan

Patuloy na nadaragdagan ang mga kasong isinasampa laban kay Lowell Menorca II, nitong nakaarang weekend ay nagsampa na din ang SCAN International-Cebu Chapter, Bohol Chapter , Catanduanes Chapter at Misamis Oriental Chapter.

Kapwa nagsampa ng kasong libelo ang mga ito laban kay Menorca dahil sa panininrang puring ginawa nito patungkol sa SCAN International.

Matatandaang noong Oktubre28 ay tinawag ni Menorca na isang private army, death squad at hit squad ang nasabing grupo. Kung saan taliwas naman ito sa layunin ng pagkakatatag ng grupo na ang pangunahing layunin ay tumulong sa kapwa. (Agila Probinsya)

Related Post

This website uses cookies.