(Eagle News) — Pormal nang binuksan sa publiko ang kauna-unahang museum ng Philippine Economic History sa bansa.
Ang nasabing museo ay ang lumang building ng Commission on Audit. Ito ay naglalayong ipaalam sa publiko ang kasaysayan ng ekonomiya sa bansa sa pamamagitan ng mga naka-display na mga lumang kagamitan at kasangkapan na ginagamit ng iba’t ibang industriya na nagpalakas ng komersyo sa bansa.
Ang museo ay may labintatlong (13) galleries na maaaring pasyalan ng libre kagaya ng 23 museo na pinangangasiwaan ng National Historical Commission of the Philippines
Ayon kay NHCP Chairman Rene Escalante napili ang Iloilo bilang lokasyon ng museo dahil nagsisilbi itong mahalagang lugar ng kasaysayan ng ekonomiya ng Pilipinas.
Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng NHCP sa Department of Tourism (DOT) at Department of Education (DepEd) para maging tourist destination at field trips ang bagong bukas na museo.
Ang museo ay bukas sa publiko tuwing araw ng Linggo at martes alas otso ng umaga (8:00 AM) hanggang alas-kwatro ng hapon (4:00 PM).