DAVAO CITY (Eagle News) – Bubuksan na ngayong Hunyo ang kauna-unahang paaralan sa bansa na nasa loob ng “detention facility”. Ito ay matatagpuan sa loob ng Davao City Jail, Davao City. Ayon kay Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) spokesperson Chief Insp. Pio Rosero, inaasahan din nilang matatapos ang 2 storey tertiary school building sa Hunyo.
Bibigyan aniya ng pagkakataon ang mga “inmates” na makapag-aral kung sila ay qualified base sa kanilang pag-uugali sa loob ng piitin. Unang makikinabang ang nakatapos ng Alternative Learning System (ALS). Gayundin ang mga inmates na nakatapos ng high school at college level. Mayroon itong limang kurso na may kinalaman sa information technology at social science courses.
Samantala, ang University of South Eastern Philippines (USEP) ay magsasagawa rin ng screening process upang malaman kung sino ang maaaring ma-qualify. Sila rin ang magiging service provider ng paaralan sa loob ng piitin. Siniguro naman ng BJMP na magiging ligtas ang mga guro dahil malayo naman ang paaralan sa mga selda ng kulungan.
Photo courtesy: BJMP REGION XI
Saylan Wens at Haydee Jipolan – EBC Correspondents, Davao City