Kauna-unahang PNP-Media Palarong Pinoy isinagawa sa Quezon

LUCENA, Quezon (Eagle News) – Isinagawa sa lalawigan ng Quezon ang kauna-unahang Philippine National Police-Media Palarong Pinoy na ginanap sa covered court ng Camp Guillermo Nakar, Lucena City, Quezon.

Ang nasabing sports fest ay nilahukan ng mga kasapi ng Quezon PNP at ng Tri-Media Group sa lalawigan.

Ayon kay Quezon Police Director PSSupt Rhoderick Armamento, layunin ng nasabing aktibidad na maipakita ang pagkakaisa, sportsmanship at maayos na relasyon na bawat participants.

Nais din umanong ipakita ng Quezon Police na malakas at malusog ang kanilang kaisipan at katawan.

Ilan sa mga inihandang palaro ay ang mga sumusunod:

  • Patintero
  • Sack race,
  • Basagang palayok
  • Tug of war
  • Calamansi eating
  • Pop balloon

Sinabi pa ni Armamento na patuloy pa silang gagawa ng mga programa sa sports development para pangalagaan ang malakas na katawan ng kapulisan at ng mga mamamahayag.

Allan Llaneta – EBC Correspondent, Lucena City, Quezon

https://youtu.be/ZuORS7x8TC4