KBP nagsagawa ng tree planting activity sa Nueva Ecija

Nagsagawa ng pagtatanim ng puno ang mga miyembro ng Kapisanan ng Brodkaster ng Pilipinas (KBP).

Nagsimula ang parada ng mga kalahok sa Freedom Park Burgos Avenue, Cabanatuan City patungo sa National Greening Project site sa Fort Magsaysay, Palayan City kung saan 4,000 puno ang naitanim.

Kung dati ay mikropono, ball pen, camera, tablet, lap top ang dala ng mga broadcaster sa pagkakataong ito ang dala nila ay mga seedlings na itinanim upang makatulong sa kalikasan.

Lumahok dito ang Philippine Army, mga iba’t ibat istasyon ng kapulisan sa Nueva Ecija, iba’t ibang mga paaralan, iba’t ibang sangay ng pamahalaan maging ang iba’t ibang samahang pribado sa lalawigan.

Ito ay taunang aktibidad na isinasagawa ng naturang samahan bilang pagpapakita ng pagmamalasakit sa kapaligiran.

Related Post

This website uses cookies.