Kick-off campaign ng Santiago-Marcos tandem, isinagawa sa Batac, Ilocos Norte

Pinili nina Senadora Miriam Defensor-Santiago at Senador Bong-Bong Marcos na gawin ang kanilang Kick-off campaign sa Batac, Ilocos Norte.

Ipinangako ng Senadora na uusigin ang lahat ng may kinalaman sa korapsyon sa Priority Development Assistance Fund (PDAF) at Disbursement Acceleration Program (DAP), at hindi rin siya aatras sa kanyang pag-takbo bilang Presidente.

Sinabi naman ni Sen. Bong-bong Marcos na ang kanyang adbokasiya ay palakasin, pagka-isahin at tulungang mailabas ang galing ng mga Pilipino.