MEYCAUAYAN, Bulacan (Eagle News) – Bilang pagpapasinaya sa ika-10 taong pagdiriwang ng City-hood ng Lungsod ng Meycauayan ay naglunsad sila ng isang malawakang kick-off motorcade. Inikot nila ang iba’t-ibang bahagi ng Meycauayan sa pangunguna ni Mayor Henry R. Villarica at ng kaniyang maybahay na si Cong. Linabelle Ruth R. Villarica, kasama si Vice Mayor Rafael S. Manzano, Jr. at ang Sangguniang Panglungsod. Kasama rin ang iba’t-ibang Barangay Captain sa pangunguna ni ABC President Olivert Duya.
Nagkaroon din ng maikling programa sa Meycauayan Common Terminal kung saan pormal nang binuksan ang pagdiriwang ng Cityhood sa pamamagitan ng ribbon cutting. Nagbigay naman ng mensahe ang bawat konsehal ng pagbati sa lahat ng naroon at nagpasalamat sa lahat ng mga dumalo.
Nagbigay din ng ulat si Mayor Villarica sa kaniyang mga nagawa sa loob ng limang buwan, tulad ng:
- Pagbubukas ng mga service road sa NLEX (Libtong-Langka na sinisimulan nang gawin at Pandayan St. Francis na nalalapit na ring gawin)
- Alternatibong solusyon sa pagsugpo ng trapiko
- Pagkakaroon ng mga kumpleto at dekalidad na gamot sa mga Health Center
- Pagtulong sa mga Barangay na makabili ng lupa para sa pagtatayo ng bagong Barangay Hall
- Pag-aayos ng isyu ng basura
- Pagkaroon ng karadagang pang mga dump truck na makakatulong sa paghahakot ng mga basura
- Paghahain ng Meycauayan Sports Complex upang magkaroon ng isang lugar na pagdadausan ng mga iba’t ibang larong pampalakasan at maaring maging libangan ng mga kabataan para maiiwas sa bisyo
- Paglipat ng City Hall sa mas maayos na lugar para maging sentro ng komersyo at makahikayat ng mga mamumuhunan sa lungsod ng Meycauayan.
Alejandro Soriano – EBC Correspondent, Bulacan