(Eagle News) — Nasugatan ang isang lider ng mga rebelde na nasa wanted list ng United States (US) State Department sa engkwentro ng militar at Abu Sayyaf Group (ASG) sa Patikul, Sulu.
Kinilala ni B/Gen. Alan Arrojado, commander ng Joint Task Group (JTG)-Sulu ang naturang rebelde na si Radullan Sahiron na may isang milyong dolyar na patong sa ulo kaugnay ng pagkakasangkot niya sa pagdukot sa mga US tourist taong 2001.
Dagdag pa ni Arrojado, nasa pitong mga rebelde at isang sundalo ang napatay habang anim na mga rebelde at 17 mga sundalo naman ang nasugatan sa naturang engkwentro.
Sa ngayon ay patuloy pang tinutugis ang nakatakas na si Sahiron.