METRO MANILA, Philippines (Eagle News) – Nagkilos protesta ang mga militanteng grupo na mga miyembro ng KADAMAY at Urban Poor Organization sa U.S. Embassy nitong Sabado, February 25. Inakupa nila ang kanto ng United Nations Avenue at Roxas Boulevard patungo sa U.S. Embassy. Agad namang sinalubong ang grupo ng mga pulis na kabilang sa Crowd Dispersal Team ng Manila Police District.
Dito na nagtipon-tipon ang mga miyembro ng nasabing grupo na mula sa iba’t ibang lugar. Kinundena ng grupo ang patuloy umanong patayan sa bansa. Ayon pa sa grupo na 31 years na umano ang nakalipas mula ng mangyari ang People Power ay tila wala pa rin umanong naging pagbabago sa bansa.
Panawagan ng grupo ang pagpapaalis ng U.S. Military Troops sa Bansa. Bahagyang bumigat ang daloy ng trapiko sa lugar dahil sa aabot sa 1,000 katao ang nakiisa sa nasabing kilos protesta.
Nagkagirian din sa kalagitnaan ng kilos-protesta matapos paalisin sa lugar ng miyembro ng kapulisan ang mga militanteng grupo sa tulong ng fire truck mula sa Bureau of Fire Protection. Dalawa ang nasugatan sa panig ng kapulisan at dalawa rin sa hanay ng militante. Nagtagal din ng isang oras ang rally at nanumbalik na rin ang daloy ng trapiko.
Dadalo rin aniya ang grupo sa Pople Power Monument para sa anibersaryo ng EDSA Revolution.
Earlo Bringas – EBC Correspondent, Metro Manila