Klase ng Pre-school, Elementary at High School sa Romblon suspendido ngayong araw

7487b86e-7efa-43a6-961e-3b42c768a243

ROMBLON (Eagle News) — Suspendido na ang klase ng pre-school, elementary at high school, pampubliko at pribadong paaralan sa buong lalawigan ng Romblon dahil sa patuloy na pananalasa ng Bagyong Marce. Sa kasalukuyan ay nakataas na tropical storm warning signal no. 2 ang Probinsya.

Umaabot na sa 275 ang pasaherong na stranded sa dalawang Pantalan ng Romblon. Nasa 132 pasahero ng Navios Shipping Lines ang stranded sa Bayan ng San Agustin. Sa Poctoy Port naman ng Odiongan ay tinatayang nasa 143 na pasahero ng 2Go Travel na patungong Batangas ang stranded kabilang na ang 31 rolling cargos.

Ang mga biyahe ng mga barko papasok at palabas ng lalawigan ng Romblon ngayong araw ay suspendido pa rin.

Renand Pastor – EBC Correspondent, Romblon