Klase sa Marawi City, ‘di pa alam kung kailan magsisimula – DepEd

(Eagle News) — Hindi pa masabi ng Department of Education (DepEd) kung kailan magbubukas ang klase sa Marawi City.

Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nakikipag-ugnayan sila sa DepEd-Autonomous Region in Muslim Mindanao kung kailan magbubukas ang klase sa siyudad dahil hindi pa ligtas ang seguridad doon.

Ayon kay Briones, nasa 20,000 ang dapat na mag-enrol sa Marawi city subalit nasa 1,300 lamang ang nakapag-enrol.

Umapela rin si Secretary Briones sa mga magulang ng mga estudyante sa Marawi City na hindi dapat na maging hadlang ang giyera para mahinto sa pag-aaral ang kanilang mga anak.

Inihayag ni Secretary Briones na naglabas siya ng Memorandum Order 98 na nag-aatas sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa na tanggapin ang mga estudyanteng umalis ng Marawi City para sa kanilang kaligtasan.

(Eagle News Service, Vic Somintac)

https://youtu.be/Cho1yNX6Euc