(Eagle News) — Hindi pa masabi ng Department of Education (DepEd) kung kailan magbubukas ang klase sa Marawi City.
Sinabi ni Education Secretary Leonor Briones na nakikipag-ugnayan sila sa DepEd-Autonomous Region in Muslim Mindanao kung kailan magbubukas ang klase sa siyudad dahil hindi pa ligtas ang seguridad doon.
Ayon kay Briones, nasa 20,000 ang dapat na mag-enrol sa Marawi city subalit nasa 1,300 lamang ang nakapag-enrol.
Umapela rin si Secretary Briones sa mga magulang ng mga estudyante sa Marawi City na hindi dapat na maging hadlang ang giyera para mahinto sa pag-aaral ang kanilang mga anak.
Inihayag ni Secretary Briones na naglabas siya ng Memorandum Order 98 na nag-aatas sa lahat ng mga paaralan sa buong bansa na tanggapin ang mga estudyanteng umalis ng Marawi City para sa kanilang kaligtasan.
(Eagle News Service, Vic Somintac)