Eagle News — Idineklara noong linggo, July 31, 2016 ni Gov. Manuel Mamba na walang pasok sa lahat ng antas sa Northern Cagayan habang suspendido ang klase sa Pre School hanggang Senior High School ngayong araw, Lunes, August 1, 2016.
Ito ay upang mailayo sa anumang kapahamakan ang mga mag-aaral sa pampubliko at pribadong paaralan sa posibleng pagbaha na idulot ng bagyong Carina. May-iiral man na Typhoon Warning Signal ngayong araw o wala ay pinasususpinde ng Gobernador ang klase para masiguro ang kaligtasan ng mga estudyante.
Inatasan na ni Gob. Mamba ang pamunuan ng Department of Education ukol sa kanyang deklarasyon. Mainam ayon sa punong lalawigan na matiyak na mailalayo sa kapahamakan ang mga bata at estudyante dahil maaring may mga babahaing lugar at kalsada patungo sa mga eskwelahan.
Sa impormasyon mula sa PCCDRRMC ang mga bayan na sumasaklaw sa Northern Cagayan ay ang Sta. Ana, Gonzaga, Sta. Teresita, Buguey, Aparri, Lal-lo, Allacapan, Ballesteros, Abulug, Pamplona, Sanchez Mira, Claveria, Sta. Paxedes, Calayan, Lasam at Gattaran.
Ang mga Bayan at Syudad na hindi na nabanggit ay kabilang sa saklaw ng rest of Cagayan.
Courtesy: Dexter Daligcon