Korean nationals, nanguna sa pinakamaraming turista na bumisita sa Pilipinas

MANILA, Philippines (Eagle News) — Nananatiling mga koreano ang pinakamaraming bumisita sa Pilipinas ngayong taon.

Batay sa datos ng Bureau of Immigration (BI), umabot sa mahigit 1.4 million na South Koreans ang pumasok sa bansa simula noong January hanggang November ngayong taon.

Mas mataas ito ng 1.3 percent kumpara sa bilang ng bumisitang Koreano sa bansa noong 2016.

Pangalawa sa pinakamaraming bumisita sa bansa ay mga American national na umabot sa 869,732, pero mas mababa ito kumpara sa naitalang bilang ng tourist arrival noong nakaraang taon na pumalo sa 909,331.

Nasa ikatlong puwesto naman ang Chinese nationals na pumalo naman sa 796,487 arrivals simula noong January hanggang November ngayong taon.

Samantala, umabot naman sa mahigit limangdaan libo ang Japanese visitors ng bansa ngayong taon.

https://youtu.be/Lh4HAsrgdSk