Koronadal City, inilagay ng PNP sa heightened alert dahil sa protesta ng mga magsasaka

Inilagay na ng Philippine National Police sa heightened alert ang buong Koronadal City dahil sa isinagawang limang araw na pag-protesta ng mga magsasaka sa harap ng Department of Agriculture Region 12 sa Brgy. Carpenter Hills, Koronadal City.

Nagsimulang magbarikada ang mga ito noong Linggo, Abril 24 sa apat na lane ng national highway na kumokonekta sa Koronadal at General Santos City. Ayon sa kanila, wala na silang makain at nagkakasakit na dahil sa El Niño phenomenon.