LIBRENG mapapanuod ng mga residente ng Caloocan City ang laban ng tinagurian Pambansang-Kamao at Saranggani Cong. Manny Pacquiao laban kay Floyd Mayweather Jr. sa darating Mayo 3, 2015.
Ayon kay Caloocan City Mayor Oscar Malapitan, mayroon 12-lugar sa lungsod na puwedeng mapanuoran ng mga taga-Caloocan ang mega-fight of the century – Pacquiao vs Mayweather, live via satellite at tuloy-tuloy itong mapapanuod dahil walang patalastas.
“This is the fight everyone is waiting for”, Malapitan said, adding that the TV channels will also show this fight by dumping voluminous advertisements in between rounds, thus making the “live” show a super-delayed telecast.
At para mabigyan ng todong kasiyahan ang mga residente ng Caloocan ang lokal na pamahalaan ng nasabing lungsod ay gumawa ng paraan upang sagutin ang pay-per view sa mga piling lugar na parang nanunuod rin ng ‘live sa Las Vegas’ MGM Grand Arena”.
Ang mga lugar kung saan makapanuod ng libre, “no reserved seats, first-come-first-seat” sa darating na May, dakong alas-nueve ng umaga ay ang mga sumusunod na lugar: Caloocan City Hall Gazebo, Caloocan High School, University of Caloocan City (UCC) South campus, Bagong Barrio Elementary School, Caloocan City Hall North, Glorieta Tala, Camarin-D Elementary School, Bagong Silang Phase 1 Auditorium, Bagong Silang Phase 10 Kaliwa, Bagong Silang Phase 7 Kanan, Deparo Covered Court, Northville Bagumbong Covered Court.
Ani pa ng alkalde, nakikinikinita na nito na ang laban ng pambansang-kamao ay isang magiging isang blockbuster kung kaya’t plinano nito ang naturang okasyon na gawin sa iba’t-ibang lugar para maging masaya ang lahat ng nais na manuod sa MGM Grand Caloocan style.