MANILA, Philippines (Eagle News) — Dumating na sa bansa ang labi ni Joanna Demafelis, ang Overseas Filipino Workers na natagpuang patay sa loob ng isang freezer sa Kuwait.
Pasado alas-10:00 kaninang umaga nang lumapag sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) terminal 1 ang eroplano ng Gulf Air Flight GF-154 lulan ang labi ni Demafelis.
Agad namang ililipad ang bangkay patungo sa Sara, Iloilo kung saan naghihintay ang pamilya ni Joanna.
Sinabi naman ni Presidential Spokesman Harry Roque na hinihintay pa nila ang pormal na reklamo ng pamilya ni Demafelis laban sa naturang opisyal upang malaman ang tunay na pangyayari.
Umapela naman ang gobyerno ng Kuwait ng kunsiderasyon sa Pilipinas kaugnay sa ipinataw nitong deployment ban sa mga Overseas Filipino Worker.
Ito ang inihirit ni Kuwaiti Ambassador Saleh Ahmad Althwaik sa naging pag-uusap nila ni DFA Secretary Alan Peter Cayetano.