Laboratory clinic sa Makati, nasunog

MAKATI CITY, Metro Manila (Eagle News) – Tinupok ng apoy ang isang laboratory clinic sa Makati City nitong Miyerkules ng gabi.

Ayon sa security guard ng establisyimento sa Brgy. San Isidro, mag-aalas dose ng hatinggabi nang  may narinig siyang pumutok sa ikalawang palapag, at sumiklab na ang sunog.

Sa isinagawang imbestigasyon ng Makati BFP, walang tao sa loob ng establisyimento na pagmamay-ari ni Dr. Simeon Romua nang mangyari iyon.

Umabot sa ikalawang alarma ang sunog ngunit wala namang namatay o nasugatan.

Bandang 12:44 ng madaling araw nang ideklarang fire out na ang sunog.

Patuloy pang inaalam ng mga awtoridad ang sanhi ng sunog na tumupok sa laboratory na ang karaniwang kliyente ay Overseas Filipino Worker.

Paulo Macahilas – Eagle News Service

Related Post

This website uses cookies.