Lake Sebu nanatiling under state of calamity dahil sa fish kill

KORONADAL CITY, South Cotabato (Eagle News) – Simula pa nang huling linggo ng buwan ng Enero ay nakararanas na ng massive fish kill ang mga taga-Lake Sebu. Ito ay dahil sa mga malalakas na pag-ulan kung kaya’t nauubos ang oxygen level ng lawa na nagdudulot ng fish kill.
Isa rin sa itinuturong dahilan ng paghina ng lake ay ang over crowded na paglalagay ng mga fish cage at maging ang naiiwang chemical mula sa commercial feeds na pinapakain sa tilapia.
Nitong nakaraang January at February ay nangyari ang massive fish kill. Tinatayang nasa 1,383 tons ng tilapia at iba pang mga isda ang namatay na nasa 127,000,000.00 pesos ang damage. Maituturing itong napakalaking kawalan sa pangkabuhayan ng mga fish cage operators, marginal fisher folks, investor at maging mga consumer.
Agad namang nagdeklara ng state of calamity si Mayor Antonio Fungan. Nagpatawag din siya ng public hearing kung saan pinulong lahat ng mga fish cage operator.
Nag-anyaya din sila ng mga expert galing sa BFAR at DA upang maiwasan na ang mga ganitong pangyayari. Noong March 2, 2017 ay naaprubahan ang deklarasyon under Executive Order 2017-19 na tanging 10% lamang ng cages ang pwede sa bawat 350 ektarya ng lake.
Ang mga mangingisda ay kailangang kusang mag-demolish ng kanilang fish cage o kung hindi ay ang munisipyo na ang mag-de-demolish nito.

Ayon kay Ms. Dearly Tosoc, Municipal Fishery Coordinator, hindi pa pinapayagang maglagay ng mga fingerling hanggang sa matapos ang 6 na buwan na paglilinis at pag-restore ng lawa.

Ang mga lawa sa Lake Sebu ay nahahati sa tatlo ang pinakamalaki ang Lake Sebu, kasunod ang Lake Seloton at Lake Lahit. Lake Seloton ngayon ang nag-su-supply ng Tilapia sa buong bayan at sa mga mamimili nito. Ito rin ay itinuturing na tourist spot sa Probinsya ng South Cotabato.
Rafael Pine – EBC Correspondent, Koronadal City
https://youtu.be/j8YdP0S1kak
Related Post

This website uses cookies.