Eagle News. Masayang isinagawa sa Pueblo De Panay Robinson’s Mall Ground ang 38th National Disability Prevention and Rehabilitation Week na may temang “Karapatan ng may Kapansannan, Isakatuparan… Now Na!”.
Ang aktibidad na ito ay pinangunahan ng Persons With Disability Affairs Office (PDAO) na dinaluhan din ng mga tagapanguna ng PWD at City Social Welfare and Development Office (CSWDO).
Nagkaroon ng mga programa at intermission ang mga PWD na nakabagbag ng damdamin sa mga manonood. Binigyang-diin naman ng mga nagsipagsalita na ang mga PWD o mga may kapansanan ay may mga karapatan ding tulad ng karaniwang mamamayan na dapat na naibibigay sa kanila gaya ng karapatang makapaghanap-buhay, makapag-aral at iba pa na kung minsan ay hindi naipagkakaloob sa kanila.
(Eagle News Correspondent Neal Flores)