OLONGAPO City (Eagle News) — Binabantayan ngayon ang kahabaan ng Kalaklan Road, Olongapo City dahil sa nangyaring landslide sa nasabing lugar, bunsod ng walang tigil na pagbuhos ng ubos.
Kasabay ng malakas na pagbuhos ng ulan, ilang mga maliliit na pag guho ng lupa ang napansin ng mga residente sa nasabing barangay. At kaninang umaga ay bumagsak na ang malaking tipak ng lupa sa Olongapo City Cemetary. Mabilis namang rumisponde ang mga otoridad at Disaster Risk Reduction and Management Office o DRRMO ng Olongapo City sa pangunguna ni DMO Head Angie Layug.
Ayon kay Layug, landslide prone area talaga ang nasabing lugar, malambot ang lupa at ginawa na rin kasing residential area. Sa ngayon ay tinitrim na rin nila ang mga puno para gumaan ang mga ito at hindi sumama kung sakaling magtuloy-tuloy ang pagbagsak ng lupa. Maraming puno na ang nakasabit at hindi na nakakapit sa lupa.
Pinapaalalahanan din ni Layug ang mga commuter na mag-ingat sa bahaging ito ng kalsada sapagkat maaari pang bumigay ang ibang bahagi nito. Maglalagay naman sila ng mga taong magbabantay dito at ilang mga sinage para magsilbing babala sa mga dumadaang sasakyan.
courtesy: Melvin De Leon