TABUK, Kalinga (Eagle News) – Biyernes (Oktubre 14) pa lamang ng gabi ay naranasan na sa lalawigan ng Kalinga ang malakas na pag-ulan dahil sa Bagyong Karen na bumuhos pa hanggang sa magdamag ng Sabado, October 15, 2016. Bunga nito ay nagkaroon ng landslide sa Barangay Mallango, Tinglayan, Kalinga dahilan upang pansamantalang hindi madaanan ng mga sasakyan ang Tabuk – Bontoc Road.
Napilitan na lamang na maglakad ang mga commuters na stranded at lumipat na lamang sa ibang sasakyan lalo na ang mga papuntang Tabuk City na ang karamihan ay mga estudyante. Sa kabutihang palad ay wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa nasabing landslide.
JB Sison – EBC Correspondent, Kalinga