Lascañas: Php4-milyon, ibinigay kapalit ng pagpatay kay Jun Pala

By Meanne Corvera
Eagle News Service

MANILA, Philippines (Eagle News) — Bumaligtad na ng pahayag si retired policeman SPO3 Arturo Lascañas kaugnay sa sinasabing pagkakaroon ng Davao Death Squad.

Kung dati ay pinapasinungalingan niya ang DDS, ngayon ay inamin na niya ito at binawi ang unang testimonya sa Senado.

Sa news conference na isinagawa sa Senado nitong Lunes, Pebrero 20, inamin ni Lascañas na nagbabayad si Pangulong Rodrigo Duterte sa kanilang target na naglalaro mula twenty hanggang one-hundred thousand pesos.

Una raw sa kanilang naging biktima ang isang hinihinalang drug lord na si Alan Cancio kung saan napatay rin ang kasambahay nito at sila rin ang pasimuno sa pagpapasabog sa Mosque sa Davao City.

Ang DDS rin aniya ang pumatay sa radio commentator na si Jun Poras Pala na ipinapatay raw ni Duterte dahil sa umano’y araw-araw na pagbatikos sa kanya.

Kuwento ni Lascañas, dalawang beses silang nabigo na patayin si Pala.

Dahil dito, kinuha raw nila ang serbisyo ng partime bodyguard nito na isang rebel returnee na si Gerry Trucio kapalit ng 350 thousand pesos.

Kapalit raw ng pagpatay nila kay Pala ang tatlong miyong piso.

Nagbigay pa raw ng bonus na isang milyong piso ang Pangulo na personal pang kinuha sa bahay nito.

Eagle News Service

Related Post

This website uses cookies.