Leaflets na naglalaman ng masamang epekto ng illegal logging, ipinamahagi sa Carmen, Surigao Del Sur

(Eagle News) — Maliban sa laganap na suliranin ngayon ukol sa iligal na droga ay isa din sa tinututukan ngayon ng mga kapulisan paritkular dito sa bayan ng Carmen, Surigao Del Sur ay ang suliranin hinggil sa illegal logging.

Dahil dito ay minarapat ng mga kapulisan na ipamahagi sa mga taga-bayan ang mga leaflets na naglalaman ng mga magiging masamang epekto ng illegal logging sa mga indibidwal.

Lalo na ngayon at may tinatawag na global warming.

Ang ilan sa mga nakasaad na masamang ibubunga nito sa mga tao ay ang pagkakaroon ng mga pagbaha, at landslides na hindi lamang mga kabuhayan ng tao ang winawasak kundi maging ang mga buhay ng mga indibidwal.

Kaya minarapat ng mga kapulisan na ipaalala sa publiko sa pamamagitan ng ganitong aktibidad na patuloy na makipag kooperasyon ang lahat na maingatan ang kalikasan at magtulong-tulong sa pagsugpo sa suliranin hinggil sa illegal logging.

 

Related Post

This website uses cookies.