CARMEN, Surigao del Sur (Eagle News) – Namahagi ng leaflets ang mga kapulisan sa Carmen, Surigao del Sur tungkol sa magiging masamang epekto ng paninigarilyo sa kalusugan nitong Martes, Hulyo 18.
Layunin ng isinagawang aktibidad sa pangunguna ng kanilang hepe na si PSInsp. Edwin Perez na makatulong sa pagpapaalala sa publiko na ang paninigarilyo ay makasasama sa pangangatawan o kalusugan ninuman.
Maagang tinungo ng ilang mga personnel ng Carmen Municipal Police Station ang mga mataong lugar at namahagi ng nasabing babasahin.
Nakapaloob din sa nasabing leaflets ang mga paalala o magsisilbing alternatives sa paninigarilyo na nagpapakita lamang na hindi pa huli ang lahat para itigil ang paninigarilyo.
Ang aktibidad na ito ay ilan lamang sa mga progama na kasalukuyang ikinakampanya ng kapulisan alang-alang sa seguridad, kapayapaan, at kaligtasan ng publiko.
Dennis Revelo – Eagle News Correspondent, Carmen, Surigao del Sur