QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) — Plano ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na bumuo ng centralized septage facility sa Coron, Palawan.
Ito ay matapos lumabas sa pagsusuri ng nasabing kagawaran na lumagpas na sa safe limit ang lebel ng coliform o bacteria na mula sa dumi ng tao ang nakita sa Coron Bay.
Ayon sa DENR-MIMAROPA, direkta kasing napupunta sa Coron Bay ang sewage ng mga hotel at restaurant na nakatayo sa isla.
Ilang porsyento rin ng dumi ay nanggagaling naman sa mga informal settlers na walang maayos na daluyan ng dumi mula sa kanilang mga palikuran.
Ayon sa DENR, magsasagawa sila ng relocation ng mga informal settlers sa lugar at kasabay nito ay tatanggalin naman ang mga establisyemento na nakatayo sa loob ng three-meter easement zone ng Coron Bay.