QUEZON City, Philippines (Eagle News) – -Nakaalerto pa rin ang pamunuan ng marikina city sa lebel ng tubig sa Marikina River.
Ayon kay Marikina City Mayor Marcelino Teodoro, patuloy silang magbabantay sa harap ng forecast na posibleng hanggang Biyernes pa tumagal ang mga pag-ulan.
Mahalaga anya na maging alerto ang lahat dahil kadalasang tumataas ng lampas tao ang baha sa ilang barangay kapag umabot ng mahigit sa 18 meters ang tubig sa Marikina River.
Kabilang sa mga barangay na unang naapektuhan ng baha kapag tumaas ang tubig sa marikina river ay ang barangay nangka, malanday at tumana.