(Eagle News) — Umaasa ang Philippine Atmospheric Geophysical and Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) na makakatulong ang mga pag-ulang dulot ng bagyo o habagat ngayong buwan sa sitwasyon ng mga dam sa bansa.
Sinabi ni Pagasa Hydrologist Danilo Flores na maaaring maging normal ang lebel ng tubig sa mga dam, depende sa tagal ng mga ulan lalo na ng habagat.
Pero sakaling maging mabilis lamang ang pagdaan ng mga pag-ulan, sinabi ni Flores na posibleng kapusin pa rin sa tubig ang mga dam.
Hindi pa pormal na ina-anusyo ng Pagasa ang panahon ng tag-ulan, subalit may isa hanggang dalawang bagyo na inaasahang tatama sa bansa ngayong Hunyo.