(Eagle News) — Masasaksihan sa susunod na linggo ang isang meteor shower na kung tawagin ay “leonids.”
Ayon sa Philippine Atmospheric Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA), ang “leonids” ay isang uri ng masagana o maraming meteor shower.
Magaganap ang “leonids” sa mga huling oras ng November 17 hanggang madaling-araw ng November 18.
Inaasahang nasa sampung meteor kada oras ang masasaksihan sa mga nasabing petsa.