BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Nagsagawa ang Pamahalaang Panglungsod ng Biñan at Department of Education (DepEd) ng anim na araw na seminar patungkol sa “Series of Workshops on the Development of Learning Materials”. Ito ay ginanap sa Days Hotel, Tagaytay City na nagsimula noong April 18 at magtatapos sa April 23.
Pinangunahan ni Biñan City Mayor Atty. Walfredo R. Dimaguila, Jr., Dr. Edmil C. Recibe, City Education Administrator at sa pakikiisa at suporta ni G. Hereberto Jose D. Miranda, DepEd School Division Superintendent kasama ang mga Education Program Supervisors. Dinaluhan ito ng mahigit 70 na mga guro sa mga pampublikong paaralan ng Biñan City, Laguna.
Layunin ng seminar at serye ng workshop ay magsagawa ng makabagong pag-unlad sa mga gagamiting textbook ng mga mag-aaral. Bago aniya magbukas ang klase ay dapat nakahanda na ang filler type textbooks. Gagawin anilang manipis na hindi katulad ng dati na makakapal ang mga naturang textbooks para hindi mahirap dalhin dahil sa bigat at dami ng mga ito.
Ang mga learning materials ay kinabibilangan ng sumusunod:
- English
- Filipino
- Math
- Science
- Araling Panlipunan
- EPP/ TLE.
Ito ay isinasagawa na sa buong Calabarzon para sa makabagong contextualization on localized materials para sa lahat ng antas ng mga pampublikong paaaralan ng nasabing syudad.
Willson Palima at Jackie Palima- EBC Correspondent, Biñan City, Laguna