BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Sumailalim sa isinagawang drug tests ang mahigit na 1,400 na task force ng pamahalaang lungsod sa Biñan noong Sabado, July 1.
Ginanap ito sa New City Hall Building, Biñan City, Laguna.
Pinangunahan ng tanggapan ng punong lungsod at ng Advent Diagnostic Laboratory Testing Center ang isinagawang drug tests para sa mga kawani ng pamahalaan ng naturang siyudad.
Maaga pa lang ay nagdagsaan ang mga task force ng city marshal, Public Order and Safety Office, Biñan Traffic and Management Office, Public Market Task Force at iba pang task force ng ahensya ng lungsod.
Layunin nito na masigurong malinis ang hanay ng mga task force at walang gumagamit ng iligal na droga.
Pagkatapos ng isang linggo ay malalaman na ang resulta ng naturang drug test.
Ito rin ang magiging basehan na mananatili sila sa kanilang serbisyo.
Willson Palima at Jackie Palima – Eagle News Correspondent, Biñan City, Laguna