Libel VS Menorca at Yuson, isinampa ng Iglesia Ni Cristo sa Zambales

Nagsampa na rin ang Society of Communicators and Networks International o kilala sa tawag na SCAN International – Zambales Chapter, South District ng kasong libelo laban kay Lowell Menorca II. Ito ay kaugnay ng kanyang paratang na ang nasabing grupo ay “hit squad” ng Iglesia Ni Cristo.

Samantala, sa kaugnay na balita ay isa pang ministro ng Iglesia Ni Cristo ang nagsampa ng kasong libelo laban kay Eliodoro Yuson.

Ayon sa ministro ng Iglesia Ni Cristo na si Bro. Emilio D.L. Santiago, Tagapangasiwa ng Distrito ng Zambales South, isinampa niya ang kaso kaugnay ng paratang ni Yuson sa isang interview sa Teleradyo noong Hulyo 24, kung saan binaggit ni Yuson na ang mga ministro sa Iglesia Ni Cristo ay corrupt at pinagbibinbtangan din na nagpapadukot at nagpapatay.

(Agila Probinsya Correspondent Bong Macapagal)

Related Post

This website uses cookies.