Libo-libong Lumad dumagsa sa Davao City para sa serbisyo-medikal

Photo courtesy: City Government of Davao

DAVAO CITY (Eagle News) – Umabot na sa 2,874 ang pamilya ng Lumad o nasa 5000 indibidwal ang kasalukuyang nasa pangangalaga ng Lokal na Pamahalaan sa pitong shelters sa Davao City. Nag-umpisa na ring ipaabot ng Davao City Social Services and Development Office (CSSDO) ang kanilang serbisyo sa dumating na unang bugso ng mga bisitang Lumad noong nakaraang linggo.

Ayon kay CSSDO Chief Malou Bermudo, ang unang grupong dumating ay may 1,255 na bata, 47 ang buntis, 5 ang person with disabilities (PWD), at 72 naman ang senior citizen. Ang lokal na Pamahalaan ng Davao City ay nagbibigay sa mga Lumad ng pagkain, health services at iba pang serbisyo. Magtatagal ito hanggang December 10.

Tuwing buwan ng Disyembre libo-libong lumad ang bumabiyahe sa lungsod. Ang karamihan sa kanila ay galing pa sa mga bulubunduking bahagi Davao tulad ng Paquibato, Marilog, Calinan at mga probinsya ng Davao del Norte, North Cotabato, Bukidnon, Agusan at Surigao.

Iniutos ni Mayor Sara Duterte na ang aktibidad para sa tribal communities ay gawin sa December 7-21 upang magbigay umano ng kasiyahan sa lahat lalo na sa mga lumad at maging sa mga kabataan.

Haydee Jipolan – EBC Correspondent, Davao City

 

Related Post

This website uses cookies.