PAGSANGHAN, Western Samar (Eagle News) – Nasa mahigit na 800 pamilya ang nakinabang sa libreng bigas na ipinamahagi ng Pamahalaang Panlalawigan ng Western Samar sa Bayan ng Pagsanghan. Mula sa apat na barangay ay tinipon ang mga tao sa compound ng Municipal Hall upang maayos na maipamahagi ang nasabing bigas.
Ayon kay Liezl Manlolo, in-charge sa pagsasaayos ng nasabing aktibidad, layunin na maipadama sa mga mamamayan ng Samar na sinisikap ng Pamahalaang Panlalawigan na matulungan ang bawat pamilya na makatawid sa pang araw-araw na pangangailangan at maipadama ang pagmamalasakit.
Nagpasalamat naman ang mga residente sa nasabing programa at kay Gov. Sharee Ann Tan. Ayon naman kay Brgy. Chairman Exor Rabid ng Brgy. Sto Niño, ang mga ganitong programa ng pamahalaan ay malaking pakinabang para sa ating mga kababayan lalo na sa mga mahihirap.
Amie Dulalia, Randy Flor – EBC Correspondents, Western Samar