Libreng football clinic para sa mga kabataan at PWDs, inilunsad sa Biñan City, Laguna

Photo courtesy: Public Information Office, Biñan City, Laguna

Nina Willson Palima at Jackie Palima
Eagle News Correspondents

BIÑAN CITY, Laguna (Eagle News) – Naglunsad ng isang libreng Football Clinic sa mga kabataan at persons with disability (PWDs) ang dayuhang coach na si Boby Jeff ng Black Lions Football Club. Katuwang niya ang Rotary Club of Metro Biñan District 3820 at sa suporta ng Pamahalaang Lungsod ng Biñan. Isinagawa ito sa Alonte Sports Oval Stadium, Brgy. Zapote, Biñan City, Laguna kamakailan.

Sa pangunguna ni Lourdes Esquivel Dimaguila, Head ng Gender and Development Office (GAD) at ABC Rommel Dicdican at ng Special Education (SPED) ng Department of Education (DepEd) ay naging matagumpay ang nasabing aktibidad.

Layunin nito na mahikayat at udyukan ang mga kabataan maging ang mga may kapansanan na may edad na pito hanggang labing pitong taong gulang na lumahok sa larong football.

Ang mga kabataang na may kakayahan at mahilig sa larong football ay sasanayin upang magkaroon ng disiplina sa sarili, maging bihasa sa nasabing sports at mailayo sila sa masamang bisyo lalo na sa droga.

Naniniwala ang dayuhang coach at Football Club na mas magaling ang mga Pilipino sa larangan ng larong football. Kaya binigyan nila ito ng halaga at pansin upang sanayin ang mga kabataang Pilipino sa nasabing laro. (Eagle News Service)

 

Related Post

This website uses cookies.