(Eagle News) — Malapit nang mag-bigay ang Department of Health ng libreng gamot sa cervical cancer kasunod ng unang pag-labas ng pondo mula sa sin taxes.
Ayon sa DOH, kasalukuyan na ang pag-subsidize ng gobyerno ng mga gamot para sa chemotherapy ng breast, colon at rectum cancer ngayong taon.
Sa mga susunod na taon ay maaari nang mag-bigay ng libreng gamot sa cervical cancer.
Sa ngayon, Ginagamit ang sin tax sa assistance program para sa pondo ng mga pasyente sa mga ospital ng DOH.
Kailangan lang mag-tungo ng mga pasyente sa Social Welfare Services Unit para sa financial assistance.