Libreng pagpapaganda handog para sa mga Guro ng Palayan City, Nueva Ecija.

PALAYAN CITY, Nueva Ecija (Eagle News) –  Pinaghandugan ng Provincial Government ng Nueva Ecija katuwang ang Provincial Manpower and Training Center (PMTC) ang mga Public School Teacher sa Palayan City, Nueva Ecija ng libreng serbisyo tulad ng sumunod:

  • Gupit
  • Hot oil
  • Hair Color
  • Massage
  • Manicure
  • Pedicure

Ito ay bilang pagpupugay at pagpapasalamat sa mga guro dahil sa walang sawang pumapanday at humuhubog sa kaisipan ng mga kabataan.

Ang programang ito ay sinimulan noong October 5 sa Nueva Ecija Convention Center, Palayan City. Nakatakda din itong ipagpatuloy at dalhin sa ibang mga bayan sa Nueva Ecija sa mga susunod na araw.

Eman Celestino – EBC Correspondent

This website uses cookies.