MARILAO, Bulacan (Eagle News) – Umabot sa 245 ang bilang ng mga Marilenyo ang sumailalim sa pagsasanay sa iba’t ibang skills program ng Mario F. Santiago Livelihood and Skills Training Center para sa unang quarter ng taong ito.
Ilan dito ang pagsasanay para sa electrical installation and maintenance, massage therapy, bread and pastry production, food and beverage service, housekeeping at marami pang iba.
Nagsagawa muna ng orientation bago simulan ang pagsasanay para sa mga naging benepisaryo ng MFS at TESDA. Dinaluhan ito ni Vice Mayor Henry Lutao at ni PDM Administrator Dolores Cajucom. Ipinaliwanag naman ni G. Juancho Espiritu, MFS Training Center Head ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kasanayan. Layunin aniya ng programa na makatulong sa mga nagnanais na magkaroon ng karanasan o kasanayan sa iba’t ibang larangan ng nasabing proyekto.
Joey Tagum – EBC Correspondent, Marilao, Bulacan