PARAÑAQUE CITY, Metro Manila (Eagle News) – Umabot sa 100 na mga kabataang lalaki ang nakinabang sa isinagawang libreng tuli. Ito ay proyekto taun-taon na pinangunahan ng Barangay Committee on Health at sa pakikipag-koordenasyon ng mga Health Center Workers at Department of Health ng Barangay Sun Valley, Parañaque City. Isinagawa ito noong Abril 4, 2017.
Ang mga kabataang kalalakihan na may edad na hindi bababa sa 12 taong gulang ang naserbisyunan ng proyekto. Layunin nito na mabigyan ng libreng serbisyong medical ang mga kabataan. Lalo na aniya ang mga napapabilang sa mahihirap na pamilya.
Kaya naman maaga pa lang ay matiyaga ng pumila ang mga kabataang lalaki na sinamahan pa ng kanilang mga magulang upang makinabang sa nasabing programa.
Melanie dela Cruz – EBC Correspondent, Parañaque City