Lider ng ASG na si Radulan Sahiron, nagbabalak umanong sumuko

ZAMBOANGA CITY, Philippines (Eagle News) – Matapos ang sunod-sunod na bilang ng mga pagpatay at pagsuko ng mga ilang miyembro ng bandidong Abu Sayyaf, nagplaplano na rin umanong sumuko ang leader nito na si Sulu ASG Leader Radulan Sahiron. Ayon sa ilang sumukong miyembro ay nais na rin aniyang sumuko ni Sahiron.

Sinabi ni Lt. Gen Carlito G. Galvez Jr., Commander ng Autonomous Region in Muslim Mindanao (ARMM) Forces Western Mindanao Command na susuko si Radulan maging ang ilan sa kaniyang mga kasamahan bibit ang mga kanilang armas. Ang kondisyon aniyang hinihingi ay huwag silang i-turnover sa American Government.

Pumutok ang pangalan ni Radulan Sahiron matapos masangkot sa pagpugot sa mga dayuhang bihag isang dekada na ang nakalipas. Sa ngaun ay pinagaaralan na ng Wesmincom ang posibleng pagsuko ni Radulan Sahiron.

Jana Cruspero – EBC Correspondent, Zamboanga City

 

 

Related Post

This website uses cookies.