Lifestyle check, sisimulan na sa August – DILG Sec

Nakatakda nang simulan sa susunod na buwan ang pagsasagawa ng lifestyle check ng Department of Interior and Local Government (DILG) sa mga ahensiya na saklaw nito.

Ayon kay DILG Sec. Mike Sueño na  isasailalim sa lifestyle check ang mga local chief executives, mga tauhan ng Philippine National Police, Bureau of Jail Management and Penology At Bureau of Fire Protection.

Layunin nito na malinis ang hanay ng mga ito laban sa mga tiwali at iligal na gawain.