QUEZON CITY, Philippines (Eagle News) – Sinimulan na nitong Lunes, March 20 ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang pagpapatupad ng uniform light truck ban. Mula 6:00 ng umaga hanggang 10:00 ng umaga ay umaabot na sa 377 ang kanilang nahuli sa may Southbound ng EDSA.
Lahat ng ‘light trucks’, pribado o commercial use ay mahigpit na pinagbabawalan dumaan sa EDSA Southbound at Shaw Boulevard (mula Mandaluyong City at Pasig City) mula 6:00 ng umaga hanggang 10:oo ng umaga. Sa EDSA Northbound naman at buong kahabaan ng Shaw Blvd. mula 5:00 ng hapon hanggang 10:00 ng Lunes hanggang Sabado. Maliban na lamang aniya sa Linggo at holiday.
Magtatagal aniya ito hanggang Hunyo 15 ng taong kasalukuyan. Ang mga mahuhuli ay may kaukulan multa na Php 2,000. Sa mga nagnanais malaman ang buong detalye ng batas na ito ay maaring pumunta sa website ng MMDA light trucks ban.
Christian Agsalud – EBC Correspondent, Quezon City