Lingap Laban sa Kahirapan ng Iglesia Ni Cristo sa Kalinga, matagumpay na naisagawa

(Eagle News) — Matagumpay na isinagawa ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Kalinga ang “Lingap sa Mamamayan” partikular sa Barangay Seet, Bayan ng Tanudan. Napagkalooban ng goody bags ang ating mga kababayan na karamihan ay mula sa mga tribong nasa nasabing bayan.

Ayon kay Brother Pedro F. Castillo, District Minister ng INC sa Kalinga, ang pagsasagawa ng ganitong aktibidad ay pagpapakita ng kanilang malaking pagmamahal at pagmamalasakit sa kapwa na isa sa pangunahing adhikain ng Pamamahala sa Iglesia sa pangunguna ni INC Executive Minister Brother Eduardo V. Manalo.

Bakas naman sa mukha ng ating mga kababayang napagkalooban ng tulong ang kagalakan. Nagpaabot din sila ng malaking pasasalamat sa INC dahil sa tulong na naipagkaloob sa kanila.

(Report by Eagle News Kalinga Correspondent JB Sison, Photos by Brayan Mauricio)

Related Post

This website uses cookies.