Lingap-Pamamahayag isinagawa ng Distrito ng Quezon City

QUEZON City, Philippines (Eagle News) — Dahil sa adhikaing makapagbigay ng tulong para sa ating mga kababayan at lalo na sa espiritual na kalagayan ay nagsagawa ang Distrito ng Quezon City ng Lingap-Pamamahayag nito lamang Linggo, Setyembre 19 na ginanap sa lokal ng Pilot.

Maaga pa lamang ay maaga ng iginayak ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t-ibang lokal na sakop ng distrito ng Quezon City ang kanilang mga magiging panauhin sa nasabing aktibidad.

Labis din ang naging paghahanda ng mga District Staff sa pangunguna ni Kapatid na Arnel T. Verceles, Tagapangasiwa ng Distrito sa seguridad at kaayusan ng mga venue.

Maliban sa loob ng compund at bahay sambahan ng lokal ng Pilot ay kasama ang Manuel L. Quezon Elementary School at MRB covered courts sa pinagganapan ng aktibidad.

Photo Courtesy of Bro. Christian Atale, Bro. Jay Malaga, Ohliell Barte, and MRFB

Unti-unting napuno ng panauhin ang mga venue para sa gagawing Pamamahayag, bahagi ng aktibidad ay ang pagpeperform ng ilan sa mga banda at singers na mula sa iba’t-ibang lokal sa distrito ng Quezon City. Nagperform din ang isa sa cast ng Camp Sawi na si Kim Molina at iba pang national artists na naimbitahan sa nasabing pagtitipon.

Nagbigay sigla din sa mga dumalo ang pagpeperform ng Filipino rapper, record producer at actor na si Andrew E. Kasama rin sa nagperform at naging host ng aktibidad sina Pinas Dj, Apple Chui, Net25 News Anchor na si Mavic Trinidad.

Photo courtesy of Bro. Jay Malaga and Sis. Ohliell Barte of Bagong Silangan, QC

Ang pangangasiwa ng Pamamahayag ng mga Salita ng Diyos ay pinangunahan ni Kapatid na Glicerio Santos Jr., at nagtapos ito sa isang video presentation kung saan ay ipinakita ang matagumpay na paggabay ng ating Panginoong Diyos sa loob ng isang-daan at dalawang taon ng Iglesia Ni Cristo.

Sa pagtatapos ng isinagawang Lingap-Pamamahayag ay masayang nakatanggap ang mga panauhin maging ang mga kaanib nito ng goody bags. Bakas sa mukha ng mga panauhin ang naging kasiyahan.

Photo courtesy of Jay Malaga of Bagong Silangan, QC

Labis naman ang naging pasasalamat ng mga kaanib sa Iglesia Ni Cristo sa Tagapamahalang Pangkalatahan ang Kapatid na Eduardo V. Manalo sa isinagawang aktididad dahil anila ay nakatulong sila sa ating mga kababayan at higit sa lahat ay nakapamahagi ng mga Salita ng Diyos.
Sa kabuuan ay naging mapayapa at maayos ang aktibidad sa tulong na rin ng SCAN International at mga kapulisan na tumulong sa seguridad ng lugar.

Related Post

This website uses cookies.