Lingap Pamamahayag isinagawa ng Iglesia ni Cristo sa Gumaca, Quezon District Jail

GUMACA, Quezon (Eagle News) – Naging matagumpay ang isinagawang Lingap-Pamamahayag ng Iglesia Ni Cristo sa mga inmates ng Gumaca District Jail sa Bayan ng Gumaca, Quezon kamakailan. Pinangunahan ni Bro. Benjie S. Estacio, District Supervising Minister ng Quezon East ang nasabing aktibidad.
Bago namahagi ng mga goody bags ang mga miyembro ng INC ay nakinig muna ang mga inmates ng mga aral ng Diyos na sinsampalatayanan ng INC. Sa pagtuturo ni Bro. Benjie S. Estacio, ipinaliwanag niya sa pamamagitan ng Biblia ang kahalagahan ng Iglesia ni Cristo sa buhay ng tao upang magtamo ng kaligtasan.
Lubos naman na nagpapasalamat ang mahigit 400 inmates at ang pamunuan ng BJMP sa Iglesia Ni Cristo dahil sa tulong ng ginawa nito. Hindi lamang aniya materyal na bagay ang kanilang natanggap kundi maging ang bagay ba espirituwal.
Marami rin sa mga inmates na nakapakinig ang nagpahayag na na patuloy na makikinig sa mga aral ng Diyos na sinasampalatayanan ng INC.
Claire Ramos – EBC Correspondent, Gumaca, Quezon
Related Post

This website uses cookies.