Lingap-Pamamahayag, isinagawa ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo sa lalawigan ng Apayao

LUNA, Apayao (Eagle News) — Matagumpay at masiglang naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng Iglesia Ni Cristo sa Luna Gymnasium, Luna, Apayao. Sa nasabing aktibidad, isa sa mga itinataguyod ng INC ay ang Labanan ang Kahirapan (Fight Poverty).

Pinangunahan ni Bro. Bernardino E. Sabado, District Supervising Minister ng Cagayan West ang nasabing aktibidad. Dinaluhan ito ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na mula sa iba’t ibang lugar ng Cagayan at lalawigan ng Apayao.

Bago isinagawa ang Lingap sa Mamamayan ay nagsagawa muna ng Pamamahayag (pag-aaral ng mga salita ng Diyos) upang maibahagi sa mga panauhing dumalo ang mga aral at salita ng Diyos na sinasampalatayanan ng mga INC. Ayon kay Bro. Sabado sa kaniyang pagtuturo, patuloy ang pagtulong ng INC sa mga mahihirap at nangangailangang nating mga kababayan kaanib o hindi man ng Iglesia Ni Cristo.

(Eagle News,, Dexter Daligcon at Rowena Calamaro – Cagayan Correspondent)

Related Post

This website uses cookies.