MALINAO, Aklan (Eagle News) — Kaugnay ng Paggunita ng Iglesia Ni Cristo sa pagsapit sa kaniyang Ika-102 taong anibersaryo ng pagkakatatag sa Pilipinas ay matagumpay na naisagawa ang Lingap sa Mamamayan ng mga kaanib nito sa lalawigan ng Aklan. Isinagawa ito sa Barangay Bolabod, Malinao, Aklan.
Layunin ng nasabing aktibidad na maitaguyod ang pagsunod sa aral na tulungan ang mahihirap at nangangailangan. Sa kasalukuyan ay itinataguyod nang Iglesia Ni Cristo ang programa nitong “Labanan ang Kahirapan” (Fight against Poverty). Ang Aktbidad ay pinangunahan ni Bro. Manuel A. Nasol, Sr. District Supervising Minister ng Distrito ng Aklan. Dinaluhan ito ng mga kaanib ng Iglesia Ni Cristo na mula pa sa iba’t-ibang lugar kasama ng kanilang mga panauhin.
Bago isinagawa ang Lingap sa Mamamayan ay nagsagawa muna ng Pamamahayag (pag-aaral ng mga salita ng Diyos) upang maibahagi sa mga panauhing dumalo ang mga aral at salita ng Diyos na sinasampalatayanan ng Iglesia Ni Cristo. Ayon kay Bro. Nasol Sr. sa kaniyang pagtuturo, patuloy ang pagtulong ng INC sa mga mahihirap at nangangailangang nating mga kababayan kaanib man sa Iglesia Ni Cristo o hindi.
Kaugnay nito ay ipinagpasalamat naman ng mga panauhin ang tulong na kanilang tinanggap anya malaki na raw itong tulong sa kanilang pangangailan.
(Eagle News Alan Gementiza – Aklan Correspondent)